Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Thursday, November 02, 2006

free writing...

november na!! one month to go matatapos na ang taon tapos eto pa rin.. ganun ganun lang. kamusta naman yun di ba?

wala! wala akong maisip na matino ngayon. ang dami kong gustong gawin pero hindi ko alam kung paano sisimulan at itutuloy. ayokong malipad na lang ng hangin ang mga ito. maging mga pangarap na lang muli. sa huli ako pa rin ang talo. ganun naman lagi eh,. kahit na nung bata pa ako. ewan ko ba. mahabang parusa ba ito sa kasalanan na wala akong ka-malay-malay? o sadyang drama lang na kinatha ng isip ko na ako rin ang nag parusa sa sarili ko? masokista noh? hindi naman...

siguro dahil na rin sa dami ng mga bagay na dapat asikasuhin. hindi ko alam kung san magsisimula. hindi ko alam lain dun ang number one. basta nakalista lang sila. lakas rin ng trip noh? nakakaloka na rin minsan. nakakabaliw.

buti na lang andyan lagi si aishi at little boy kulit. kung wala sila siguro nagmukmok na lang ako sa isang sulok sa kwarto ko. o kaya natuto na rin akong magpakalasing. o pwede ring tuluyan na ring mabaliw. ang dami ko kasing kargong drama sa buhay. tinalo ko pa ang isang malupit na telenobela na uso sa tv ngayon.

naku kung maari lang silipin ang mga iniisip ng tao, baka sa akin walang tumagal. ang gulo, ang daming kalat, ang daming issues, ang daming problema na hindi naman dapat pinoproblema. hilig ko lang talaga pahirapan ang sarili ko. tapos iiyak-iyak na lang ako. wala naman palang gagawin. ang shonga ng dating di ba? gagawa ng problema sabay susuko pala. ano kaya yun?

sana na lang eh wag magmana si little boy kulit at si baby number 2 sa mga drama ko. eto lang ang ugali na ayaw kong makuha nila sa akin. naku. wish ko lang na sana mamana nila lahat ng mabuting ugali namin ng dada nila wag lang to. sabagay, nde naman talaga ugali to eh. tamang drama ko lang. parang ngayon. nagdadrama nanaman ako. wala kasing maisip ng matino. walang magawa na maayos. kaya eto, mag drama na lang di ba? kahit na mali at walang katuturan. ganun talaga eh.

ang drama ko talaga noh? pasensya na, buntis din kasi at siguro malakas ang dagsa ng hormones sa katawan ko ngayon. pati utak ko malubhang apektado.

paumanhin po at tamang drama lang ni haze... *bow*

babalik din po ako sa dati maya-maya hehe

2 comments:

Chateau said...

hay naku haze! Preggy hormones nga siguro yan wreaking havoc on your emotions... Ganayn din kasi ako- all three times! hehe.. Don't worry too much. Just enjoy your pregnancy. :)

Anonymous said...

plee, at least hindi ka as depressive katulad ko (mas matindi kasi ata ako). and in your case, plee, you have already mentioned above the 3 things that could make your forget all the negative stuff you're thinking... your hubby, little boy kulit, and baby # 2! Ü

you are very very blessed!Ü you don't know how many people out there envy the life you live right now.

*hugs* love you, best!