Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Saturday, June 23, 2007

updates sa buhay-buhay

Been quite busy the past few weeks. And I missed my blog and blogging. I just check it while I can to see if there are people visiting my site. Awa naman ng diyos meron naman. (salamat!) anyway, a few updates on what has happened to me and my boys…

 Keon’s finally baptized after so much delay. Last june 9. It was a very simple event, as in close family and friends. One thing that I didn’t like was the fact that we were not informed by the church that we were supposed to bring our own candles. Siyempre assuming kami that as part of the payment for the baptism, we will be supplied with candles. But no… bad trip talaga since nagmukha kaming mga engot kasi wala kaming dalang kandila. Ano ba yun di ba? So, ang nangyari eh, pinahawak na lang kay aishi yung gigantic paschal candle, as representation. Ang saya di ba? Ang isa pang nakakaloka eh, nung bubuhusan na ng tubig si keon, eh itong pari (which is vietnamese by the way – kwento to follow) eh pawang pinaliguan ang anak ko kaya ayun, pati mata, nalagyan ng tubig. Nagpigil na lang ako kasi gusto ko siyang umbagan. Tama ba naman kasing ubusin yung tubig sa bata? Eh dapat “trickle” lang ang ilalagay sa bumbunan. Ayun, kawawang keon, nagwawala…

So yun nga, si paring vietnamese… wala kaming naintindihan sa kanya. Since vietnamese nga, wala kaming naintindihan sa kanya. Ang nakakatawa pa eh ang pag pronounce niya ng Satan eh ganito: SA-TAN. At sino naman si Sa-tan?? Bwahahaha!

After ng mga nakakabaliw ng incident sa simbahan, smooth sailing na. deretso na dencios para kumain. Saktong tanghalian so masaya ang lahat. After kumain at naguwian na ang mga guests, nagstay pa kami ni aishi and the ninongs and ninangs. Yung mga chikiting ko, pinauwi ko na at pinatulog. Kawawa naman eh. Inaantok na. so dun muna sila sa mga inlaws ko. Kami naman nagstay sa dencios until 530 or so. At doon nabuo ang plano na mag outing dahil long weekend. 

 The long weekend getaway… silip na lang kayo sa multiply ko para sa mga pictures.  basta, masaya siya at finally nakahabol sa mga natitirang araw ng summer. At ako’y umitim naman. Yun nga lang ngayon eh nawawala na ang sunburn ko at bumabalik na ako sa dati kong kulay. Kainis!!

 I’m back to working. 3 weeks na ako dito sa company as a marketing officer. Hindi ko pa pwede sabihin kung ano kasi hindi pa siya na-launch. Confidential pa eh. Pero masaya naman ang work. Makukulit ang mga tao tulad sa dati kong work, minus the backbiting nga lang (well… we’ll never know. Mawawala ba yun sa isang trabaho?) siyempre kahit 3 weeks pa lang ako eh babad na rin sa dami ng trabaho. Kaya pa naman ang work, sa totoo lang nageenjoy ako. Bagong challenge eh. At least in the coming days eh may reason nanaman ako para may ma-blog di ba?

 Mukha nanaman akong boy. Short nanaman ang buhok ko. Hehehe. We brought kyle to cuts for tots to have his haircut and nainggit naman kami ni aishi. So nagpagupit din kami. Siyempre feel na feel ko ang short hair ko. As in wash and wear lang kaya tipid din sa shampo. Hehehe imaginin nyo na lang ang itsura dahil hindi ako magpost ng pictures. Hahaha! Unless magkita tayo sa daan. :P

No comments: