This is why I love being a mom
Wala akong masabi sa anak kong si kyle. He makes me really proud with everything he does. Kagabi pagdating namin sa bahay with the kids, nagkwento si aishi sa akin na sinali daw si kyle sa preschool ng pinsan niya. Ang anak ko eh naging saling pusa. Ok lang naman considering na 3-4 kids lang naman ang students dun. And ok lang naman daw dun sa teacher. So eto na nga, saling pusa ang little boy ko. Aba aba! Ang teacher natuwa sa kanya kasi behaved daw at marunong sumagot. As in pag nagmention ang teacher ng word nakukuha nya or nasasabi nya. Tulad daw nung tinuro ng teacher yung horse, aba sagot din si kyle ng horse. Ung cat, sagot din cat, nde ko lang sure kung pati tunog ng cat ginawa ni kyle pero malaki ang pusta ko na ginawa niya yun. In fairness magaling naman siya gumawa ng animal sounds. kumbaga may playlist na siya ng mga alam niyang animal sounds. pero kahit i-shuffle mo ang playlist, alam pa rin! Hehe
Natuwa naman ako sa sinabi ng teacher na ready na siya for school. Oo, alam ko yun. Ready na kung ready ang anak ko. Pero, ang problem dyan eh hindi si kyle at kung ready ba siya o hindi. Financially wala pa kaming means to bring him to school considering that school charges 85k as tuition!! San naman kami kukuha nun di ba? I’m sure naman there are other schools na ganun din ang turo at the same time, mura naman.
Personally, I choose na mag enjoy muna si kyle with playing. He can learn and play at the same time naman kahit wala pa sa school. Hopefully next year na lang, if time and money permits. Another factor din eh he’s not showing any signs of being potty trained. diahe din naman sa mga teachers and classmates niya na dapat pa siya asikasuhin because he's not yet potty trained. No pressure from mommy sa potty training. Magsasabi naman siya kung ready na siya. May mga moments naman. Pero ayaw ko lang talaga pilitin ang bata. Baka ma-repress pa.
But then bottom line. I’m so proud of my little boy. I never imagined na naging behaved siya in a very different environment. At least nawala ang worry ko na may takot siya sa ibang tao. I guess what helped na rin was that there were other children his age. Si kyle pa naman mahilig sa mga bata. Alam agad na pag may bata, playmate yun.
Haaay, soon little boy, mag school ka rin pero hindi siguro dun kasi ang mahal masyado ng school na yun.
~~
Tapos this morning naman katabi ko matulog si little boy habang naliligo si aishi. Si keon naman pinapaliguan na ng yaya niya. Naramdaman ko nang gising na si kyle, pero nag kunwari pa akong natutulog baka sakali eh matulog ulit.
Gulat ko na lang eh biglang kinuha ni kyle yung unan sa ibabaw ng mukha ko (natutulog kasi akong may unan sa mukha) sabay sabi “mama! Kekap!” (mama! Wake up!) sabay kiss sa lips ko. At hindi pa nakuntento, nag hug pa sa akin tapos kiss uli. Nag HI pa nung nakitang nakadilat na ako.
Aba! Maganda ang gising ng batang to ah! Hehehe
So yun, sige na nga gising na si mama. So tayo na ako sa kama. Aba, may pahabol pa. nag hug at nag kiss pa uli. (hmmm nde kaya may gusto tong batang to? Hehehe)
At yan ang dahilan ng maganda kong umaga. Umaga lang ha? Hehehe
Sarap maging mommy noh?
No comments:
Post a Comment