Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Thursday, July 12, 2007

letting off steam in tagalog...

alam mo, kung ayaw mo mamansin o kung ayaw mo lang ako kasama ngayon bakit hindi mo na lang sabihin sa harap ko kaysa naman pa-irap irap ka dyan na parang grade 1 student. ano naman ang maidudulot nun? madali naman akong kausap, kung ayaw mo akong kasama kahit for today eh di wag. hindi lang naman ikaw ang kasama ko dito ah. ako sinimulan ko ang araw ko ng maayos at masaya ang gising ko kahit na masama ang gising ng anak ko. buti pa yung anak ko eh pinaalam niya sa akin na masama ang gising niya at ayaw niya ng may nangugulo sa kanya.

pucha pambabastos na yung ginawa mo eh. ang drama mo naman kasi masyado. feeling mo naman eh aamuhin ka at susuyuin. hindi na uso yan teng! wala nang gumagawa nun. asa ka pa!

hay nako. after nito keber keber na. kung maarte ka pa rin. bahala ka na sa buhay mo. may mga iba naman dyan na madali mong mauuto.

hindi ako isa dun.

whew. ok na ako. :) back to blogging in english. naks!

1 comment:

Anonymous said...

sino nang-aaway sayo?? ano ba yan? :-P