Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Wednesday, June 07, 2006

i can't think of a title..

grabe ang dami kong gustong gawin na hindi ko alam kung saan at pano magsisimula. kaliwa't kanan ang trabaho, trabaho bilang hamak na employee at trabaho bilang ina at asawa. as in todo mode na lahat. minsan nga naiisip ko kung san ko pa nakukuha ang lakas sa buong araw, isama mo na ang gabi kasi pag uwi sa bahay hindi pa rin tapos ang trabaho. haay.

minsan sa office, nahuhuli ko na lang ang sarili ko na tulala sa harap ng monitor ng pc ko (ito siguro ang dahilan kung bakit tumaas ang grado ng mga mata ko) na akala mo na may malalim na iniisip. blanko pala. sa dami ng trabaho ko dito sa office, minsan hidi ko alam kung san magsisimula, sino ang tututukan, alin ang uunahin. kaya may mga pagkakataon na minsan nakakalimutan na ang iba. tao lang eh. kung superhero ako, naku, wala nang reklamo di ba? minsan nawiwindang ako sa cubicle ko. ang gulo gulo! ang daming papel, ang daming envelopes, may nakabalandrang malaking calendar para mag remind sa akin ng mga meetings ko for the week. yung dakila kong notebook na sadyang ikamamatay ko pag nawala (wala akong maibigay na oras para ma encode ito sa isang excel sheet) tapos meron pa akong starbucks planner na halos wala na rin masyadong laman kasi hindi ko rin ma-update. balak ko pa naman eh dun ilagay ang mga movies na napanood namin, mga mini kwento kay kyle, basta mga ka-chorvahan ng buhay ko. hehe

office pa lang yan. sa bahay naman at least hindi gaano ka bigat ang stress. enjoy naman kasi kasama ko naman ang bebe boy ko. para siyang stress ball. nakakaaliw. ang ayaw ko lang minsan eh pag meme time na ni kyle (mga 830-930) nakakatulog na siya tapos makakarinig lang ng onting ingay o basta boses ng tatay ko. kala mo may kaguluhang nagaganap. as in bigla yan tatayo at mag smile ng napaka laki. kala mo hindi pa natutulog. give away lang yung tayo-tayo nyang buhok. hehe so uulit nanaman ang mahabang proseso ng pagpapatulog. gusto kasi ni kyle na dapat katabi ko siya at kunwari matutulog din ako para makatulog din siya. at hindi mawawala ang tigger ng unan ni kyle-influence ni mommy (ako) bwahahaha!

ang oras lang talaga ng pahinga ko eh during lunch pag tambay mode kami ng bestfriend ko. tapos chikahan na lang ng kung ano-ano, update ng mga latest chika, reklamo sa buhay, trabaho etc. siyempre dapat may kasamang kape at yosi. yun lang ang oras ko para mag yosi, at least now nababawasan na rin! onti-onti na lang. kaya ko to! hehe

off topic: may tanong lang ako... sino dito may alam kung pwede mag enable ng password sa isang entry kung sakaling gusto mo lang na select people lang ang makabasa? pwede ba ito sa blogger? curious lang ako. kasi gusto ko sana mag post ng entries na medyo personal pero select people lang ang makakabasa (no offense sa mahilig magbasa ng blog ko--kung meron man. magparamdam naman kayo, ayan yung tagboard sa gilid o. hehe. magchikahan naman tayo! ) so anyway, kung may alam kayo, iparamdam nyo naman sa akin o. hehe salamat!

o siya, back to work uli at sa susunod na seryosong update. ehehe.

3 comments:

MrsPartyGirl said...

hindi pwede yung password chuchu sa blogger, haze. kung gusto mo gawa ka na lang ng separate na blog sa livejournal or sa blogsome kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, hehe. (pabasa ha? :D)

Cynch said...

oo kainis, di pwede sa blogger yung me password. matagal ko na rin gusto gawin yan eh, kakatamad naman mag-maintain ng isa pang blog. at saka gusto ko, makita nung iba na may secret entry ako, tapos maiintriga sila kung ano yun, tapos kung di ko sila binigyan ng password, iisipin nilang tungkol sa kanila or kaya tungkol sa common na kakilala namin, tapos mato-torture sila kakaisip. ang saya nun diba!?! pang-sadista! tapos gagawa ka pa ng teaser na sadyang nakaka-tease tlaga. ay winner!

hahahah!

c b y said...

plee, sa xanga may option na password protected ang isang entry mo. Ü

see you lunchtime/coffee/yb! Ü