Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Monday, June 05, 2006

JUNE na pala!!

grabe! ang bilis ng panahon and half a year na ang dumaan. tatanda nanaman ang mga tao. tuloy pa rin ang mga gastos, hindi naman umuunlad ang sweldo. nyahaha!! start na rin ng school year 2006-2007! maloloka nanaman ang mga magulang at mga anak! medyo matagal pa ako maloloka since bata pa ang bebe boy ko. hehehe ipon pa lang muna para sa kanyang future.

-------------------------
reaction paper para kay bossing

sometime may kasi nag attend ako ng 2 day marketing seminar. kailangan eh, partner namin yung nag organize ng event so kailangan ang presence ng taga yehey and may booth din kami. enjoy naman yung seminar kasi ang dating parang concert ito. since si CEO eh past president ng PMA, nag email siya sa amin na mga nag attend ng mga natutunan namin sa seminar na yun. oo, parang reaction paper ito.

so gawa naman ako at mega kinareer ko ito. inisip ko na kunwari eh graded ito at ang grade eh pass or fail lang. hehe ang required lang 1 page lang. eh sa sobrang pagkareer, 2 pages ang ginawa ng lola mo. hahaha. ni-attach ko pa ang email signature ko. eto o, sample...
Hazel Yago-Hung
Ang Barker ng Marketing
(Marketing Associate)

o di ba bongga!

anyway, this morning pag dating ko sa cubicle ko. may nakita akong nakatiklop na paper with my name. kala ko memo (ano nanaman ang ginawa ko? wehehehe) hindi pala, yung paper na pinagawa sa amin with the CEO's comments. natuwa ako sa comment nya na "you write well and i like your train of thought"

wow! ang galing! astig! nag pay off ang pag kareer ko ng paper na yun! so siyempre, ang ganda ng araw ko. partida pa at monday ngayon! Happy Monday talaga!

-----------------
ang yaya ni kyle... bow

naku!! nakakainis to the nth level!! sa totoo lang mabait kami ni pitoy sa mabait pag dating sa yaya ni kyle since siyempre she deserves naman an off day. pero todo na tong ginawa nya. nagpaalam kasi siya nung saturday na uuwi siya sa kanila. payag naman kami, basta ang condition eh uuwi siya the next day ng maaga since may lakad kami ni pitoy. aba naman! nakapag tanghalian na kami at lahat wala pa! pero sige, hoping pa rin kami na darating. pero natapos na rin ang the buzz, rated k pati nga yung big night ng pbb eh wala pa rin. so worried na ako na baka hindi na nga umuwi to.

at hindi nga. monday na mga manay at wala pa rin. sige, ok pa rin sa akin kasi nangyari na rin to dati pero come monday eh maaga siya umuuwi sa bahay. mga before 7am nasa bahay na siya just in time sa pag gising ni kyle. aba! ngayon wala pa rin. naka ligo na kami, nakapag breakfast na si kyle, nakaligo na. nanonood na ng blues clues. siyempre aishi and i are running late na. so no choice kami kung hindi eh iiwan muna si kyle sa mga in laws namin. wala kasing makakabantay kay kyle sa house namin since parehong magulang ko eh nagtatrabaho. yung mga younger brothers ko naman start na ng pasukan.in short, walang maiiwan sa bahay namin.

hay naku, kung umuwi man yung yaya ni kyle mamaya, lagot talaga siya sa akin. hindi na mauulit tong incident na to. mas ok pa siguro sa akin kung magsabi man lang siya sa amin knowing na may phone naman kami sa bahay o kaya i text man lang kami. pasalamat nga siya at mababait kami na amo eh. pero kung ganito naman ang gagawin eh, i'm sorry pero abuso na eh. hindi na mauulit to. ayaw ko naman siya i-let go since ang galing nya magalaga kay kyle. at good help is so hard to find nowadays noh! siguro naman eh pag sinabihan namin eh matututo naman siya. at hindi na uulitin to. apektado talaga ang work namin eh...

haaay yaya, sana naman hindi na maulit to... please lang.

pero, Happy pa rin ang Monday ko kahit na ganito ang nangyari. hehehe

No comments: