mahirap na masaya na maging mommy
the title explains it all...
kahit na i have been prepared for the road ahead on being a mom, iba pa rin yung mararanasan mo talaga. masaya maging mommy kasi ma-experience mo ang mga milestones ng anak mo. right now, sobrang enjoy ko ang mga moments namin ni kyle. lalo na when he wakes up, dun siya sobrang daldal and maingay. medyo mag whimper lang siya ng konti pag gising kasi nagugutom pero pag nabusog na eh, tadtad na kami ni aishi ng mga ngiti nya at mga tahimik na tawa. at two months sobrang responsive na siya compared sa cousin nya na 4 months old. sobrang proud talaga ako sa kanya.
isa pang nakakaaliw kay kyle eh at two months old eh nde siya fussy. alam nya kung kelan siya iinom na ng milk at kung kelan siya mag poopoo. aba pati oras ng pagtulog sunod yan kaya kahit paano eh nakakarelax kami sa bahay. ang technique lang naman dyan kasi eh, pagkapanganak pa lang eh i-establish na agad ang schedule ng bata, gawing routine na ito para iwas gulo. kasi nakikita ko sa ibang mga babies at mga parents nila eh pareho silang naghuhulaan kung anong oras kakain etc. si kyle kasi masunurin sa schedule nya. pati pag iyak nun, depende sa gusto. alam ko kung iyak ng gutom, basa, bored, antok o kung may nararamdaman. motherly instinct kumbaga.
pero siyempre, may downside pa rin. tulad ngayon, may sakit si kyle. may ubo at sipon. nung una (last week ata) mild lang ang ubo at sipon nya. ok naman siya. normal pa rin ang routines nya. pero ngayon, after ng binyag nya, naging worse ang ubo at sipon niya. dahil din kasi sa panahon. init-lamig. eh ang bata pa naman nde ganun kaagad na makaka-cope sa drastic weather changes. kaya ayun, may sakit.
dinala ko na siya kanina sa hospital para ma check ng pedia nya. ang sama na kasi ng ubo nya. as in pag ubo nya eh dinig mo ang lutong ng phlegm sa lungs nya. halata rin naman na hirap na rin ang anak ko sa pag ubo. tapos sinamahan pa ang umaagos na sipon. eh ang batang yun pag natulog eh sanay na nakadapa. kaya pag matutulog na cya, kumakalat ang sipon niya dun sa pillow nya. ayaw naman nya na matulog ng nakatihaya. kaya up to now eh pinaninindigan nya na matulog ng nakadapa.
pag naririnig ko cya na umuubo at sumisinghot, lagi ko sinasabi sa kanya na "kyle, kay mommy na lang ang sakit mo. ayaw kitang nahihirapan eh.." kung minsan titingin siya sa akin na nakakaawa. para bang sinasabi nya na "kung pwede lang mommy.." pero nakikita ko rin sa mga mata nya na pinipilit nya na kayanin yung sakit nya. nde naman cya mahirap painumin ng gamot kasi walang nasasayang na gamot sa kanya.
ang sakit lang talaga sa puso na makita ko na may sakit ang anak ko. para bang lahat na ginawa mo pero bakit parang walang nangyayari? feeling ko parang lahat ng ginawa ko para nde cya magkasakit eh nauwi lang sa wala kasi eto ang anak ko, may sakit. kung pwede lang na wag muna magwork at bumalik na lang ako sa work pag 100% na magaling na ang baby ko. kulang ang 24 hours para tutukan ang anak ko at alagaan ng mabuti.
sana matapos na to. at sana gumaling na si kyle...
*kung sino man ang nagbabasa nito, please pray naman for his speedy recovery..
1 comment:
hi haze! awww..wawa nman baby kyle..will include him in my prayers. :D
Post a Comment