This is totally a very tamad day. Feels like a Monday when it’s really Tuesday. For the month of June, 13 days running, wala pa akong late! Yeyness! Actually goal ko ito since lumipas na ang half a year na puro ako late. So bagong buhay ang lola mo. Hopefully, tuloy-tuloy na ang lahat until December.
As usual marami pa rin ako iniisip, marami pa rin gagawin, pero sadyang tamad lang talaga ako eh. So anyway, on with the story…
Ang saya ng long weekend na to.. bonding moments naming ni aishi.
Friday..
Nanood ako ng basketball game ni aishi sa office. May liga kasi sila dun. So medyo maaga pa kami nakarating so nood muna ng unang game. Daming audience. Ang ingay ng mga tao! Si aishi warm up warm up, kuladyaan sa mga ka team niya, ako tambay mode lang. iwas sa bola. Alam mo na, lapitin kasi ako sa bola. No matter how far eh lalapit sa akin ang bola na tipong gusto talaga ako saktan at tamaan sa ulo. Kaya ako takot mag sports na may malalaking bolang involved. Hehe billiards na lang. keri pa!
So tapos na ang unang game, sina aishi na. aba! Mantakin mo yun, nawala ang nga audience! As in parang may malaking kamay na humawi sa mga benches at nawala ang mga tao. So ang natira eh kaming mga dakilang asawa at jowa ng mga players, mga coach. Mga referees at yung kalaban. Ganun lang ka dami ang mga tao! Potek! Loser ang dating! Hahaha nakakawa! Tapos, san ka pa at natalo pa sila aishi! Kenes! Hanubah! At mga manay, mawawala ba ang highlight ng event na lumapit nanaman ang dyaskeng bola na yan sa akin! Sabi sa iyo eh, cursed ata ako sa mga bola na yan eh! Hanep !
Siyempre ang mga talunan eh san hahantong ? sa inuman of course! Hahaha kahit mga 6 lang ata kami nun eh ok slang. Mga sawi sa laro eh. Hahaha pero bilang ako, kahit hindi naglaro eh, napagod din so mga 11 pa lang, inantok na ako. Na miss ko rin kasi si kyle. Hoping pa rin ako na maabutan siya na gising. Pero malamang hindi na di ba? Anong oras na eh. Hahaha
So yon ang Friday namin.
Saturday..
We stayed in Manda for the weekend since na miss ng in laws ko si kyle. So quality time naman for them. Naku, buhay baboy naman kaming pamilya… si kyle kain tulog talaga so gaya kami. Kinagabihan, gusto daw ni aishi na lumabas, so nagbalak kami sa metrowalk pumunta, as usual inom siya uli. Hehehe of course dapat kasama ako noh! Haha as usual, pag patak naman ng mga past 11 o 12 ata, eto nanaman ako… sumusuko, this time puson ko naman ang naghiagsik. Gusto ko pa mag stay ng matagal pero ayaw talaga ng puson ko, umuwi na daw kami at magpahinga.. naman eh! Pero sige, nagpahatid na lang ako kay aishi at siya, tinuloy pa rin ang session. Buti naman at good boy siya at umuwi naman sa reasonable na oras. Minsan kasi eto yung pinagaawayan namin eh.
Sunday…
Balik sa Makati at pahinga lang the whole day. Play time with kyle. Kain tulog uli. Hehehe
Monday…
Magdiwang!! Walang pasok!! Yehey!! naisipan namin na ipasyal naman si kyle. Natuwa naman ang bebe boy. Kahit mga 2 hours lang yun. Ayun, pauwi sa biyahe tulog ang bebe. Hehehe
hay naku, nakagawa nga ng bagong post, pero sadyang tamad talaga tong araw na toh.. nakakaloka as in!! naiisip ko nga na bumili ng libro mamaya pero, gastos nanaman eh.. hintayin ko na lang kaya ang sweldo? 2 libro din yun noh! hehehe