tagged once more..
masipag ako today para sumagot ng mga tags from fellow bloggers. and this specific tag is long over due. thanks marie
How did you feel during those few days after birth?
> literally bugbog sarado. a few hours after i gave birth and slowly on my way to recovery, kala ng mga tao when they visited me sa hospital na malaki pa rin ang tummy ko... i have to explain to them na malaking ice pack yun para mag heal agad and hindi "daw" mag swell pa ang tummy ko. sabi yun ng mga nurses eh. basta after ng pagising ko, pinilit ko na rin kahit paano na tumayo kahit alam mo nang fresh pa ang tahi. gusto ko na kasi makita ang baby kyle ko eh. tapos the moment that i did, naku, as in johnson and johnson moment talaga. first attempt to breastfeed, first time to hold him basta lahat first. at sa totoo lang, naiyak talaga ako. kasi ang galing, nanggaling sa akin itong napakagandang nilalalang. grabe, ang galing talaga! at siyempre, ang pogi ng baby ko! hahaha tapos yung feeling na pag kinakausap ko siya, parang naiintindihan nya ako kasi dumidilat si kyle tapos kahit alam na natin na ang mga babies eh fuzzy pa ang sight eh feeling mo na rin eh naka focus talaga sa face mo
How were you emotionally?
> surprisingly ok naman.. pero i spoke to soon din. kala ko talaga makakaiwas ako sa post partum na yan. hindi rin pala. basta gusto ko lagi na kasama ko si aishi pag inaalagaan ko si kyle. tipong umaabot na sa point na iiyak na lang ako at sasabihan siya na pinapabayaan niya kami eh nagtatrabaho yung tao so siyempre aalis yun di ba? as in drama queen ako nun. sobra! at least naman hindi ako naging sobrang depressed na mala brooke sheilds na walang attachment sa baby. nag bond naman kami agad ni kyle. hehehe
Is there anything you wish people had told you about the postpartum period?
> wala naman. i was prepared. i read about what could possibly happen to women after giving birth pati yung mga pinaka extreme cases na inalam ko din. girl scout eh. hahaha
How long do you plan to brreastfeed?
> naku, kainis to. i thought i could breastfeed until maubos ang supply ng milk ko. nyek 2 months lang ang supply ko. bwiset na bwiset ako nun! as in kahit anong pump, wala na talaga... kung anong sabaw na ang pinainom sa akin, wa-epek talaga. grrr!!!
Do you have any advice for getting through those first weeks of breastfeeding?
> breast pads and nipple ointment is all you need. masakit pag dry and flaky ang nipples. and after every breastdeeding, i-clean agad ang nipples para no germs. =)
Was there any stress between you and your hubby over the baby?
> thank god wala naman. smooth sailing kami. maasahan si aishi sa pag timpla ng gatas every two hours dati. partida, nakapikit pa siya nun! hahaha and automatic sa amin na onting ingay or galaw ni kyle nagigising kami. as in mababaw ang tulog namin, ngayon ok na. minsan si kyle pa ang gigising sa amin. tipong tatayo sa crib yan at i-poke ako sabay tawa! lakas ng trip ng baby ko noh? haha
Let's talk about your body, did things get totally rearranged?
> hmph! i thought forever na malaki ang boobs ko, nyek back to normal na tapos medyo lumiit pa. kainis!! other than that, back to normal lahat, parang walang nangyari. NAKS! haha
Care to share how much you weighed before and how much now?
> first months of my pregnancy i weighed, around a hundred pounds lang and reached 135 on my 9th month. after giving birht mga nasa 110 na lang ata. so ok pa rin! sexy pa rin. hot mama ba! bwahahahaha feeling! anubah!
What advice or comfort can you offer new moms about their weight?
> wag masyado problemahin ang weight, kasi mawawala din yan. lalo na kung ikaw ang nagaalaga ng bata. excercise din yung pag carry ng baby. paghehele, etc.. always move around. and better na after mo mag give birth tayo ka agad, wag tatamad-tamad. work those calories off na! laking tulong din ang stress at puyat hahaha... aminin natin yan!!
Was your baby a lot fun right from the start?
> of course! ask any mother! sa totoo lang, no worries sa pagaalaga kay kyle. kasi ako ang nagestablish ng routine nya at hindi cya ang nagestablish ng routine. and very interactive si kyle one month old pa lang, may hilig na sa music. madali siyang ma-calm pag may music or kahit kantahan mo lang o kausapin. mana sa nanay, simple lang ang kaligayahan. until now, never siya naging fussy. kaya madaling malaman kung may nararamdaman si kyle.
What's your baby like now?
> naku sobrang active na! and very talkative! trying to walk na, as in bored na siya sa walker nya. at mas enjoy siya na umakyat ng stairs, as in marunong talaga ang bata! at in fairness, walang ayaw na food yan! and speaking of food, kung may nakikita siya na kumakain, dapat sasabay din siya. kahit patikim lang ng food. maaga ko rin sinanay si kyle sa table food as recommended din ng pedia nya para hindi maging maselan sa food. tignan mo ngayon kahit ano papatusin haha!
ayun, tag tag tag. kung sino na lang may feel na sagutin to, fight! libre naman eh. =)
No comments:
Post a Comment