Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Thursday, September 07, 2006

bakit?

bakit may mga tao na sadyang walang pake sa rules? sa building kasi namin, bawal mag yosi sa fire exit pero naman, lagi na lang kami nakakaamoy ng yosi dun sa may fore exit na malapit sa area namin. and proven naman ng mga security guards dito sa building namin na meron ngang mga ganun pero may ginawa ba sila? wala! tuloy pa rin ang mga nagyoyosi a few floors below and above ours. mga call center kasi. minsan wala nang regard sa mga rules. porket may baong pekeng accent eh ganun na lang sila umasta. (no offense sa mga nagtatrabaho sa mga call centers pero sa totoo lang may mga ka uri kayong mga walang modo. porket nag train para magkaroon ng accent kala mo na kung sinong mga magagaling. san naman ang tungo ng career nyo pag nag resign kayo o kaya ma-retrench? kamusta naman yun? san na kayo dadalhin ng mga yabang at accent nyo?)

anyway, back to the yosi thing... aminado ako, smoker ako. pero i make sure naman na to smoke in areas that are designated. hindi lang basta-basta kung saan lalo na kung public place. nakakahiya rin naman sa mga non smokers. tulad ko ngayon na non smoker. i truly appreciate those smokers na may respect din sa mga non smokers. alam nila kung san sila lulugar. tsaka alam nila ang tamang pag buga (meron ba nun?) basta yung hindi direct sa mukha ng tao at as much as possible not in the direction ng may tao. at least kahit paano eh maiiwasan ang pag punta ng usok sa tao. sorry na lang kung mag iba ang direction ng hangin. mahirap na ma-control yun.

kahit naman nasabihan ko na ang mga guards dito, wala rin silang magawa kundi tignan ang mga upos at dulo ng yosi na naiwan sa mga hagdanan ng mga salarin. mahirap lang talaga silang mahuli. kahit na ang lakas mag echo ng staircase na yun, wala kang maririnig na ingay. mga sneaky little boys and girls ang mga yun. naisip ko rinkung hindi lang mga taga call center ang mga gumagawa nun, what if mga professionals pa. mga matataas ang position at trabaho, hindi ba mas nakakahiya yun? lalabas na wala silang breeding at kulang sila sa courtesy.

mahiya naman di ba na mag yosi sa loob ng building na centralized ang air con at siyempre hindi agad nawawala ang amoy ng yosi sa lugar.

haaay... kakahiya lang talaga. sa totoo lang

*bow*

3 comments:

MGY said...

haze, bakit d kaya sa management ng bldg kayo mag reklamo... sa amin nuon ang ginawa sa fire exit, fire exit lang talaga... as in d ka makakapasok kasi EXIT nga lang e! At least, this way ma prevent ang mga sneaky smokers. paglumabas sila... sa ground floor na ang diretso nila at wala ng iba pa! hehehe...

Haze said...

hay naku mel... walang kwenta! informed ang management dito. wala lang talagang ginagawa. to think na hotle/buliding tong office namin. tapos ganun! hay! kaka stress tuloy.. hehe

i'm babie said...

agree ako sa mga sinabi mo.. nakakainis talaga, sa bldg nga namin.. sa elevator may makikita ka pang trash... grabe. walang breeding talaga. Goodluck nalang sa kanila!