bad vibes
ang sama lang ng loob ko ngayon. lahat naman tayo may mga bibig para masabi ang mga gusto natin pero may mga ibang tao talaga na sadyang ayaw gamitin ang silbi ng kanilang mga bibig. kahit ilang taon na ang pinagdaanan mo at halos alam na nila kung saan mahahanap ang mga nunal sa katawan mo, minsan, hindi mo pa rin sila kilala.
sila pa naman ang nagsabi na importante ang communication sa isang pagsasama. hindi lamang pag-aasawa ang pinaguusapan dito peor ang pagsasama ng lahat bilang kapamilya. pero bakit ganun, sadyang sila pa ang hindi gumagawa ng mga sinasabi nila. set by example ba.
tapos eto at may maririnig ka pa sa ibang tao. sa iyo lang ayaw magsabi, pero sa iba. dirediretso ang mga sumbat at reklamo. masakit lang sa loob kasi maririnig mo naman na madali naman silang kausap at kung may kailangan sila, hindi sila mahihiyang humingi ng tulong. pero hindi pala... lokohan lang pala. sa iba ko pa talaga malalaman... masakit...
sawa na ako umiyak. sawa na akong magmukmok na lang sa isang sulok. pero dahil sa mabait ako, papalampasin ko ang nangyaring to. pero pag naulit uli, hindi ko na alam kung ano ang pwede ko gawin. san pa ako kukuha ng lakas para kayanin to?
buhay nga naman...
1 comment:
huy, anong nangyari sayo? hope you're feeling better now.. *hugs*
Post a Comment