Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Tuesday, March 22, 2005

just let me rant

minsan talaga mahirap kaagaw sa oras ang barkada, lalo na pag matagal na ang pinagsamahan. minsan din, mahirap timbangin ang sarili mo sa kabarkada ng kabiyak mo. may mga ibang pagkakataon na ang kaagaw mo ay yung hindi pa barkada. pawang kailala o kalaro lang dyan sa may kanto nila.

oo alam ko, hindi dahilan ang pagbubuntis ko sa paghingi ko ng atensyon. lumaki na ako ng ganito, pero minsan, mahahalata mo naman at nanaisin na makuha ang oras niya. na kayong dalawa lang. walang gulo. walang sagabal.sa totoo lang, may mga oras at mga pagkakataon na mas napapahalagahan ang barkada at mga bisyo kaysa sa sitwasyon na kinalalagyan namin. hindi pa kami kasal alam ko ganito na, pero minsan ang hirap pa rin tanggapin na sa isang sutsot lang ng barkada na gumimik, game na agad. may pera man o wala. tapos sa huli sino ang makikinig ng mga hinaing at reklamo pagkatapos ng gimik? alam ko mali pero mahirap nang iwasan ang selos kung naka harap ka na sa ganun na sitwasyon...

nakausap ko ang bestfriend ko, pinaalam ko sa kanya ang nararamdaman ko. sabi ko sa kanya, minsan lang naman ako humingi ng konting pansin at atensyon na gaya ng nakukuha ng barkada nya. kahit na araw araw na kami magkasama sa iisang bahay. iba pa rin yung masasabi mo na kasama mo nga talaga siya. tama nga ang hinala ko na nung kinausap ko siya nung gabing iyon eh yun nga ang sinabi.. mag kasama naman tayo araw-araw ah... ganun ba talaga sa iba? makasama mo na ng araw-araw ok na?

nasan na ang mga panahon na kahit na kasama mo na siya eh, hinahanap-hanap mo pa rin siya? nasan na ang mga pagkakataon na mawala lang siya sa paningin mo eh sobra sobra ka nang nagaalala kahit nang alam mong nandun lang siya sa kabilang kwarto?hindi naman kita pinagbabawal sa mga gusto mo pero mas kailangan kita ngayon. mas gusto ko na lagi kitang kasama. sabihin na ng iba na mali na ang ginagawa ko, na paghihigpit na ito pero, para sa akin, ito lang ang kailangan ko ngayon para masabi na kumpleto ang araw at gabi ko. awayin mo man ako mamya at magkasagutan tayo. kahit paano, masaya na rin ako dahil kasama kita at alam ko pag ikaw ay inabot ko, mahahawakan kita at makakatabi sa pagtulog ko...

1 comment:

Zeus said...

Minsan iniisip ko kung sa ganito nalang talaga hahantong ang lahat ng pag-iisang dibdib, kung ganito nalang lahat ang hinaing ng mga kababaihan. Minsa'y napapaisip ako na sana maging isang kaibigan nalang ako at hindi isang taong pinagmumulan ng mga luha't panaghoy.

Sana'y makita niya ang kanyang ginagawa sa'yo at mas lalo kong ninanais na makausap mo siya nang masinsinan.