Motherhood, Parenting and Everything in between

Lilypie 3rd Birthday Ticker Lilypie 2nd Birthday Ticker

Tuesday, August 08, 2006

baby updates

oo totoo nga! buhay pa ako at ang dakila kong blog eh nag hibernate lang muna. alam mo na medyo busy lang kasi ako kaya hindi na nakapag update ng maayos.. so anyway, try na rin kahit paano habang down ang site namin at hindi makatrabaho ng maayos. hehe


baby updates na lang muna...

so 3 months na si baby. still hoping na sana girl naman para complete na kami. actually may naisip na kaming name kung sakaling girl nga. since si kyle K X ang initials, we thought bakit hindi rin si baby. we were thinking of names while having dinner in dencios sa araneta, before watching the BEP convert (sa susunod na lang yung post na yan). so anyway, while waiting for our food, nagiisip kami ng names. and we finally came up with another KX initial. pag girl tong si baby, we will name her: Kirsten Xyrene. ang cute di ba? kahit ako naaliw sa pagkaisip namin ng name ni baby. pero pag boy... clueless pa kami and we really have no idea. hehehe any ideas? basta KX ha?

awa ng diyos naman eh i never experienced morning sickness. as in kahit paano hindi ako nagsuka. mga twice or thrice lang nangyari kasi either super busog ako sa dami ng kinain o nakalanghap ako ng usok ng yosi. lalo na yung mga masasamang tao na ganun ganun na lang bumuga. inaamin ko, smoker ako pero naman hindi ko naman binubuga ang usok ng all out at bigay todo noh. siyempre kahit paano may onting consideration pa rin and as much as possible onti o walang tao para safe. pero i think malabo na rin akong bumalik bilang smoker. sa totoo lang nagsawa na rin ako eh. yehey! so anyway, on the topic ng morning sickness, siyempre next eh itatanong nyo ano ang pinaglilihiian ko.. actually, paki tanong na lang kay pitoy kasi siya ang masayang lumalamon ngayon. hahaha pero seriously, siya ata ang naglilihi uli. kain ng kain tapos kung hindi gigil na gigil kay kyle sa akin. pag gabi ang hilig sumiksik to the point na naiipit na ako at onti na lang ang space ko sa kama. mas lugi pa ako kung kasama pa si kyle sa bed namin. buti na lang eh, nakakatulog na rin siya ng tuloy-tuloy sa crib nya.

last saturday, balik ako sa ob ko for check up. i check na daw nya kung mariring na ang heartbeat ni baby using the doppler. para itong high tech na mic na ilalapit sa may puson mo o kung san man ang location ni baby. so chika-chika muna kami ni doc. tapos sabi ko sa kanya eh never pa narinig ni pitoy ang first heartbeat check ng baby using doppler. sawi siya kay kyle kasi medyo strict yung dati kong ob. so buti na lang mabait tong si bagong ob ko. so andun siya sa room kasama namin at ayun na nga, narinig niya for the very first time. tuwang tuwa ang soon to be daddy again. niloko ko pa na kung naiiyak ba siya. tawa lang siya pero sa loob ko eh feeling ko pinipigil lang niya yun. hehe tapos nun, ultrasound naman para ma check ang vital stats ni baby. siyempre on a roll si pitoy so sama din siya sa room. ayun naman, nakita niya ang look ni baby. medyo parang alien pa kasi 3 months pa lang. pero in fairness sobrang active at normal lahat ng stats. complete fingers and toes. thank god! =D hopefully sa next ultrasound eh time to check the gender na. and according naman sa ob ko. ok naman lahat. maayos ako and the baby. (next time ko na i upload ang pics nya, nagloloko nanaman ang blogger... )

so yon, so far ang updates sa baby namin.

next on the agenda:
> kyle's bday party
>kyle's first haircut experience
>BEP concert
>other happenings

1 comment:

Cynch said...

oo nga bat nga ba nagloloko minsan ang blogger sa pagupload ng photo, kainis ha!

hhmmm KL, ang naiisip ko pa lang ngayon eh Karl Xymone.. hehehe! yaan mo iisip pa ko ng suggestions pero sana nga girl na this time para naman magamit mo rin ang cute name na Kirsten Xyrene. :)